Parental Wisdom - Filipino Style
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB
WELL DONE :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal
ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa
ang manonood ng
sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng IRONY :
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM :
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo,
tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng STAMINA:
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos
lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang
dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE
OF LIFE :
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
maari rin kitang
alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION:
" Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang
Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng
" Nagmana ka nga talaga sa ama mong
walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng
ENVY :
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo
nagpapasalamat at
mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng
RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR
:
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na
wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita! "
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE :
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak
magiging katulad mo at
magiging sakit din sa ulo!"
Tuesday, September 16, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)